LTFRB Central Office CLOSED until January 17, 2022
OPERASYON NG LTFRB CENTRAL OFFICE, MANANATILING SUSPENDIDO HANGGANG IKA-17 NG ENERO 2022
Mananatiling suspendidio ang operasyon ang mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office hanggang sa Lunes, ika-17 ng Enero 2022.
Kasunod ito ng ginawang mass swab testing ng ahensya sa mga empleyado ng tanggapan, kung saan nag-positibo ang mahigit kalahati ng bilang ng mga kawani ng LTFRB.
Bagamat nais ng ahensya na makapagbigay ng serbisyo sa publiko, napilitan ang LTFRB na magpatupad ng mas mahigpit na health and safety protocols.
Sa kabila niyan, patuloy pa rin ang operasyon ng mga Public Utility Vehicles (PUV) na pinahihintuluyang bumiyahe simula noong ika-1 ng Hunyo 2020.
Ang mga sumusunod na transactions naman ay maaring gawin online o via email, alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular (MC) 2020-016:
1. Request for Special Permit at Correction of Typographical Error: online.td@ltfrb.gov.ph
2. Request for Confirmation of Unit/s at Request for Franchise Verification: online.ismd@ltfrb.gov.ph
3. Request for Issuance or Extension Provisional Authority: legal@ltfrb.gov.ph
4. Legal Concerns/Query (Hearing Schedule and Status): legalconcerns@ltfrb.gov.ph
5. Information Systems Management Division (ISMD): ismd@ltfrb.gov.ph
6. Public Utility Vehicle Modernization Program National Project Management Office (PUVMP-NPMO): puvmptechnical.ltfrbco@gmail.com
Paano magfile ng request?
1. I-download ang form https://bit.ly/LTFRBOnline
2. Sagutan ng buo at kumpleto ang form.
3. Send/file filled out form and needed requirements to the email address concerned. I-send ang online transaction request form sa kinauukulang email address.
4. Hintayin ang resulta ng request sa ilalabas na listahan ng transactions sa LTFRB website: www.ltfrb.gov.ph
Para sa mga katanungan, maaring magpada sa sa e-mail address: pacd@ltfrb.gov.ph.
SOURCE